Kadalasang pinagdadaanan ng teenager
Lumaki ako sa environment na palaging nag-aaway na magulang, palaging nagsisigawan, palaging galit, sa madaling salita palagi ding tuliro at pagod ang isip. Kung ganito talaga ang bahay na inuuwian mo nanakawin talaga nito ang masaya sanang kabataan mo. Hanggang ngayong matanda na ako alam kong bilang lang ang mga araw na sumaya ako nong bata ako. Masasabi kong masalimuot ang teenager days ko. Mas marami yong mga ala-alang nalulungkot ako. Lungkot na dala ng heavy or negative energy na umiikot sa bahay namin, walang harmony ng mga miyembro ng pamilya, araw-araw na nakasigaw, nag-aaway at nagmumura na magulang, at inaakyat o pinapasok kami ng mga masasamang tao sa gabi dahilan ng matinding trauma o anxiety ko ngayon tuwing sasapit ang gabi. Pero kung meron sigurong handang makinig sa mga tumatakbo sa isip ko, kung meron lang sanang taong hindi ako huhusgahan, baka nga hindi ako nahihirapan iproseso ang emosyon. Baka nga hindi ako kinokontrol ng emosyon ko ngayon. Kadalasan ganito lang n...