Ano nga ba ang tamang posisyon sa pagpapadede sa baby?
Base sa mga pagre-research ko at advice ng mga pedia, Bottle Fed man si baby o Breast Fed kailangan bahagyang naka-elevate o nakaangat ang upper part o bandang ulonan ng bata kapag dumedede. Ito ay para maiwasan ang posibilidad na malunod ang bata sa gatas. Puwede kasing mag-back flow ang gatas papunta sa lungs niya. At kung iisipin mo, may punto talaga. Pagkatapos niyang dumede, kinakailangan din siyang mapadighay agad. May mga iba't ibang posisyon ng pagpapadighay, isa na dito yong bahagyang pinapaupo yong bata. Mag-ingat lamang sa pagpapaupo sa bata dahil malambot pa ang mga buto niya. Dapat ding tandaan na huwag ihiga agad ang bata pagkatapos na pagkatapos dumede. Maghintay ng at least 30 minutes bago ito ihiga.
Here's my greatest failure sa journey na ito. Although hindi ko naman ginusto, because I underwent series of procedures para lang masigurado nga na hindi talaga ako puwedeng mag-breastfeed. Talagang isa ito sa mga ikinalungkot ko. Nagkaroon kasi ako ng warts sa dalawang breasts ko, not one wart but multiple, mayroong maliliit at malalaki. My OB took a sample of it, ipinalaboratory, nagpatawag ng meeting with her higher or seniors para lang idiscuss nila itong condition ko. On my next check up, she told me the result na unfortunately hindi talaga puwedeng magpadede sa bata. Hindi rin puwede kahit i-pump ko yong milk ko papunta sa bottle dahil puwedeng madaluyan ng milk na maiinum ni baby yong mga warts that can cause problem on his health later on.
Hindi ko rin naisipan dati na makihingi ng breast milk sa mga kapwa ko mommy. Siguro dahil wala din naman nag-advice sa amin nito. But it's okay kasi napayagan naman kami na gumamit ng bote for our baby. Although sa hospital talaga is discouraged and bottle feed, pero sa case ko walang magagawa. OB ko narin ang nagsabi. I asked and did eveything i could para lang sana madede ni baby kahit yong colostrum nalang sana. Yong colostrum kasi ay ang unang gatas na lalabas sa breast ng mommy at itinuturing ito na may pinakamataas na nutrition dahil meron itong mataas na antibodies at antioxidant na importante sa pagbuild ng immune system ng baby. Meron din itong mataas na protein. Kaya naman ganon nalang ako ka-frustrated. It's okay. Wala din naman akong choice dahil natakot din ako sa sinabi ng OB ko na baka mahawaan si baby ng warts kapag pinilit kong ipadede ang colostrum or breast milk ko.
Ilang beses kaming nagpabalik balik sa pedia ng bata dahil sa pagtatae, minsan dahil sa matigas na matigas na poop at minsan naman hindi nakakapupo ng ilang araw. According to our pediatrician, it's quite normal naman daw kung hindi man makadumi ang infant sa loob ng tatlo o apat na araw. But as a mom, sinong hindi mababahala kapag biglang hindi na madumi ang anak mo ng ilang araw.
Sa pagtuntong niya ng six months, naisip ko ngayon may other way na kami para palambutin ang poop niya kasi puwede ko na siyang offeran ng mga dinurog na gulay. Although nakatulong naman ang mga veggies sa pagpoop niya, pero hindi parin kami naiwas sa pabago-bagong pagdumi. Maraming klase ng formula milk ang naranasan namin.
And i remember, kapag sobra ang pagtatae ni baby sa normal milk or sobrang tigas or sobra ang pagiging colic, inililipat namin siya sa Gentlease. May mga iba't ibang tawag ng mga brands sa mga type ng milk na intended for these kinds of problems. Sa Enfagrow ay Gentlease ang tawag nila, yon yong kulay purple ang casing. What i did was nagpa-member ako sa isang facebook group about formula milk and i would say malaki rin ang naitulong sa akin ng group na ito. The name of the group is "Formula Milk Feeding Moms PH".
Formula feeding is discouraged by hospitals talaga and encourage breastmilk. So tuwing may check up kami sa hospital kung saan ako nanganak at nagki-clinic yong pedia ni baby, discreet kami lagi kung magtimpla ng milk ni baby sa designed area for breastfeeding. But then never naman din kaming nasita.