Kung gumagamit kayo ng bedframe, might as well gumamit din ng Bed Fence!
Bakit importante ang harang sa mga higaan na mataas? Kung ayaw niyong humiga diretso sa sahig, kung mas gusto niyo yong mayroon bed frame, mas mabuting lagyan niyo ito ng Bed Fence. Ang bed fence ay nai-install sa mga bed frame na kahoy. Natutong dumapa ang baby ko sa edad na two months, hindi mo mamamalayan kaya na niyan gumulong gulong. Sa oras na nakakabaliktad na ang bata at nakakataob mag-isa, mag-isip ka na kung paanong safety ang gagawin mo sa higaan ninyo.
i-Click Ang Picture Para Bilhin Ang Bedfence
I'd like share with my personal experience with my baby. Nakatatlong hulog yong anak ko. And I want to save as much mommies from guilt. Yong unang hulog niya ay wala pa kaming Bed Fence na nabili noon. Ang tanging harang lang ay mga unan. After a few months nasundan ng isa pang incident ng pagkahulog dahil masyado akong nakampante sa sarili ko na sabi ko "Ay mararamdaman ko naman na siya pag gumalaw siya". Sadly, nangyari nga ang pangalawang pagkahulog. Pangatlo, after a month or so ulit, sa sobrang ihiin ko sa gabi i failed to put the fence up again. Kasi nga naman medyo struggle yong pag-taas baba sa bed fence kapag iihi ka sa gabi. Dahil sa ganitong isip ko naulit ulit ang ikinakatakot ko. Gumulong siya mismo sa top ko na natutulog. Yong salita kong "mararamdaman ko naman kung gagalaw siya" ay isang MALAKING mistake! Tuwing nangyayari 'to, alam ko relate ang maraming nanay dito, talagang kinakain ako ng guilt. Akala ko alerto na talaga ako. Matatakasan at matatakasan ka parin talaga.
Kaya ang ginawa ko, tinanggal ko na ang bed frame, ibinenta ko ang bed fence at lumipat na kami sa sahig. Bumili ako ng Rubber Mat na 60x60 ang size. Halagang 1,600 to 2,000 din yata ang nagastos ko dito. Pero hanggang ngayong 3 years old na siya gamit parin naman ang rubber mat. Kung anu-ano pa ang pinagbibili ko dati, sa rubber mat lang pala kami mag-stay! Ito lang pala ang solusyon. Sana nuon palang bumili na ako, kung iyong ipinambili ko sana ng bed fence ay sa rubber mat nalang dumiretso. Kasi siyempre diba kapag magbebenta ka ng 2nd hand na product bababa din ang presyo nito. Imagine yong mga naiisip kong lalong nagpapasama ng araw ko.
Anyway, this must be the reason why what happened, had happened. Para i-share ko sa mga tulad kong parents yong na-experience ko. Kaya lang naman din natagalan bago kami nakapag-decide na huwag nang gumamit ng bed frame, kasi ang mister ko matangkad na tao at nahihirapan daw siyang bumangon-bangon kapag nasa sahig ang kama. Pero dahil nga sa paulit-ulit na incident, once and for all tinuldukan ko na talaga na tama na, sa sahig na tayo. Ayoko na talagang maulit. Sa totoo lang naka-dalawang X-ray din kami kay baby. Kahit kasagsagan ng pandemic dinadala ko si baby sa hospital para mapa-xray. Minsan kasi ang solid ng pagkakabagsak. Sa awa naman ng Diyos walang naging problema sa ulo niya, kaya laking pasalamat ko sa panginoon.
i-Click Ang Picture Para Bilhin Ang Rubber MatAnyway, this must be the reason why what happened, had happened. Para i-share ko sa mga tulad kong parents yong na-experience ko. Kaya lang naman din natagalan bago kami nakapag-decide na huwag nang gumamit ng bed frame, kasi ang mister ko matangkad na tao at nahihirapan daw siyang bumangon-bangon kapag nasa sahig ang kama. Pero dahil nga sa paulit-ulit na incident, once and for all tinuldukan ko na talaga na tama na, sa sahig na tayo. Ayoko na talagang maulit. Sa totoo lang naka-dalawang X-ray din kami kay baby. Kahit kasagsagan ng pandemic dinadala ko si baby sa hospital para mapa-xray. Minsan kasi ang solid ng pagkakabagsak. Sa awa naman ng Diyos walang naging problema sa ulo niya, kaya laking pasalamat ko sa panginoon.
So me personally, mas mairerecommend ko talaga ang mga Rubber Mat at mahiga muna sa sahig habang maliliit pa sila. Mas madaling i-safety ang tulugan sa sahig kaysa ang naka-bedframe. Mas maraming mabibili online na mga kung anu-anong material na puwede niyong gamitin sa safety ni baby. Nandiyan ang Wall Foam Decor kapag nag-aalala sa concrete wall na puwedeng mauntog si baby. Meron ding mga edge foam na panglagay sa mga kanto ng lamesa o dingding, at kung anu-ano pa na mabibili sa mga online shopping platforms, maghanap hanap ka lang. Puwede rin siguro ang mga DIY kung mahilig kang gumawa ng mga kung anu-ano, maraming mga tutorials sa youtube na puwede mong gawing gabay. Sobrang daming available resources na na maaring gawin para sa safety ng baby sa bahay.
i-Click Ang Picture Para Bilhin Ang Wall Foam
Marami talaga akong guilt na dinadala. At hindi madali sa isang ina ang ganito na laging may naiisip na guilt. Sana mas nagbasa-basa ako ng mga articles related sa pagiging nanay o mga bagay na related sa baby at sa safety nito. Sobrang dami kong "sana" at mga pagsisisi. Na parang gusto ko nalang magsecond baby para bumawi na akala mo naman solusyon na yon. Mainam talagang i-baby proof ang bahay para kahit gusto mong sumaglit na gumawa ng dede ni baby o kumuha ng pamunas niya, makakampante ka kahit papaano na tumalikod ng sandali. Makakampante ka kahit tulog siyang iniwan mo. Magising man siya sa mga oras na wala ka pa sa tabi niya, gumulong-gulong man siya, ayos lang. Na kahit ma-knock out ka sa gabi sa sobrang pagod mo eh mababawasan yong posibilidad ng pagkahulog ni baby.
Kaya naman kung katulad ka namin na gumagamit ng bed frame, sinasabi ko na po, ilabas na muna ang bed frame at huwag munang gamitin. Meron pa nga pala akong nabili na foam helmet ng baby, nakatulong din iyon noong nag-aaral palang maglakad ang baby ko. Makakapal ang foam non at may itatali lang sa bandang baba o chin ng bata para hindi nahuhulog. Sa una tinatanggal tanggal niya, pero kalaunan ay nasanay din. Suot lang ako ng suot kaya nasanay din siya. May time pa nga, kapag gusto na niyang magpababa para gumapang tinuturo na niya yong helmet niya. Ibig sabihin isuot ko na daw at maglalaro na siya sa sahig. Sa ngayon tuwing naiisip ko yong mga panahon na nahuhulog siya hindi ko parin maiwasan malungkot. Pero wala ganon talaga, nangyari na. Sana sa ibang mommies o parents ay mabasa nalang itong testimony ko.
Magfo-four year old narin ang baby namin pero hindi parin kami bumabalik sa bed frame. Nakikita ko kasi na may mga time parin na gumugulong gulong siya habang tulog hanggang sa paanan namin. Minsan pa nga bigla siyang tumatayo o umuupo sa gabi, nakakabahala kung mataas ang kama at bigla siyang bumagsak sa sahig. Para bang hindi parin ako kampante sa mataas na kama. Nuong bata nga ako naalala ko rin na nahulog ako ng isang beses sa kama namin, pero parang nasa edad 6 or 7 na ako nuon. So kumbaga may edad na ako, mas matigas nalang ang mga buto para tumukod ng biglaan.