Semi Solid Foods For 6 Months Old

 Anong edad ba inirerekomenda ng mga Pediatrician ang Solid Food sa mga Babies?


We introduced semi-solid food to babies at the age of 6 months old. And the first semi-solid food that i gave to my baby was the very famous mashed potato. Matatandaan ko pa kung gaano ako ka-excite noong mga panahon na yan. Kaya yong first preparation ko was a memorable one for me. It was an easy recipe kasi plain lang naman yong ginagawa diyan. Hindi pa puwedeng haluan ng kung anu-ano dahil una nasa stage palang tayo ng introduction. Pangalawa umiiwas tayo sa possible na pagsakit ng tiyan ng bata. Pangatlo kung magkaroon ng allergy reaction matutukoy agad kung anong food ang nag-cause non. 

At the age of six months, dito ko narin inintroduce sakanya ang water. Yes, as per pedia hindi pa nila inaadvice ang water kapag wala pang 6 months yong bata. Below are the list of food that i personally serve with my baby. Gumagamit ako noon ng blender sa pagprepare ng food niya. Meron akong ginagamit na maliit na blender para lamang sa paggawa ng food ni baby. Niluluto ko muna ang veggies bago ito i-blend. Porridge/Lugaw din ang ilan sa mga alternative kong ipinapakain kay baby during these months seven, eight months. 

Important: Bawal lagyan ng asin ang food ni baby. Meron nang sapat na salt na makukuha ni baby sa iniinum niyang gatas, formula man ito o breast milk. Bawat gulay, isang linggo ko itong ibinibigay sa kanya para ma-observe kung magkakaroon siya ng reaction mula dito. Sa ganitong paraan matutukoy din agad kung anong gulay ang nagbigay sakanya ng reaction or allegy. 

Mashed Veggies that you can serve to your baby: Upo, Carrot, Patatas, Kalabasa, Gabi (Lutuin itong mabuti), Banana, Avocado, Rice, Broccoli, Green Leafy Veggies, etc. 

At eight months (nearly nine months) ipinatikim ko na sakanya ang egg. Again, I serve him egg only for a week para makita kung merong reaction. Fortunately kay baby wala naman. 

At nine months, i then tried blending ingredients like banana with milk (yong formula milk lang din niya), avocado with milk, lugaw with egg (durugin yong yellow part ng egg) or lugaw with small pieces of chicken, rolled oats with banana, lugaw na may veggie like carrot and a lot more. I also started giving him yong medyo buo na pahaba ang cuts na mga food to introduce baby-led weaning. 

Ano nga ba ang Baby-Led Weaning?
Dito matututunan ni baby kumain gamit ang kanyang mga kamay. Matututunan nila yong skills ng pagdamput, pagsubo at pagnguya on their own. That means, understand that this process is messy. Not just this stage, but while they are learning basics kahit pa toddler na yan or preschooler. My advice, let them be messy during their meal time, basta huwag iiwan para iwas sa anumang disgrasya.

At one year old, puwede ka nang magdagdag pa ng mga finger food. You can also try ampalaya. Make sure parin na walang asin, asukal o kung ano mang pampalasa na ilalagay sa food ni baby. Huwag munang bibigyan ng may mga lasang pagkain, hayaan munang ma-adapt talaga ng panlasa niya ang mga gulay o pagkain na ibinibigay mo.

Here's another mistake or lesson that i learned about food that i offered during infanthood. Bumili ako ng crackers from Lazada and it is definitely a baby cracker and it says organic. Hindi ko naisip na ito ay isa paring klase ng junk food na maituturing. Masyado akong nabulag sa disclaimer nitong "Organic" and "Veggies". Nito ko lang din narealize na dapat pala hindi ko siya binigyan ng mga ganong klase ng food until at least 3 years old man lang para naman magregister muna talaga sa system niya yong mga lasa at texture ng mga gulay na binibigay ko.

LESSON: Think twice about these baby crackers. Kung kailangang ikuwento mo muna sa asawa mo o sa family mo just to get their opinion on this, do it. This will give you time to rethink and reconsider. Puwede kasing ma-mess up nito yong good diet na ibinibigay natin kay baby. 

Why do we need to stick on our baby healthy diet until they are four or five year old? 
Ang reason kung bakit kailangan huwag bibigyan ng matatamis o maalalat ang baby ay dahil maari nitong masira ang panlasa niya. Hindi lang iyan...puwede pa silang makakuha ng sakit kapag  palagi silang pinapakain ng maalat o matatamis na pagkain. Kapag nasimulan na niyang maappreciate ang lasa ng chocolate, ng buicuit, chichirya, softdrinks, ay unti-unting mas hahanapin na niya itong may mga strong taste. Unti-unti na niyang aayawan ang mga inooffer mong pagkain na kaunti lang ang asin o walang asin. Sisirain ng mga pagkain na yan ang healthy diet sana ni baby. Kailangan nating patagalin ang healthy diet ni baby hanggang magregister talaga sa systema niya ang mga lasa ng gulay at prutas. If you give him a sweet or salty food at an early age, most likely it'll ruin his tastebuds. Hayaan mo muna siyang kumain lang ng mga food na pang baby until at least four or five year old.

One more advice is, you can show and let your baby peel his own banana or grab and bite the chicken. Again basta nakaalalay lang sa tabi-tabi. Kapag hinahayaan natin silang subukang balatan ang kakainin nilang saging, napa-practice nila ang kanilang mga daliri o physical skills, nae-enhance at napapalakas nila ito. Ganon din sa paghawak nila sa sarili nilang pagkain tulad ng manok gamit ang kanilang kamay. Nagagamit nila ang sense of touch, matututong maging independent sa pagkain and a lot more.

Eventually they will show signs din kapag ready na silang uminom sa straw. Usually once na makaupo na ang bata puwede nang simulan painumin ng tubig sa baso na may straw. And this happens usually at six months old. Avoid offering him cold water sa una. For me i would even boil a water tapos palalamigin saka ko ipapainum kay baby. The reaso why i was very careful sa mga ibinibigay kong food kay baby is iniiwasan ko kasing magtae siya. Mahirap kalaban ang diarrhea at dehydration lalo na kung bata ang involve. Kung mangyari mang magka-diarrhea ang inyong baby, magpakonsulta agad sa inyong pedia para mabigyan ng tamang gamot si baby.

Previous Post Next Post

Contact Form