What are the food that are good for pregnant women?
Bilang first time mother ako (and definitely first time din magbuntis) I was very careful sa mga pagkain para hindi ako makakain ng merong hindi magandang effect sa bata or sa pregnancy. I also made sure I took the folic acid tablet on time kaya nagpunta ako agad sa OB ko sa unang buwan palang na na-missed ko na yong regla ko with positive PT.
Folic acid is really important para sa development ng bata sa loob ng tiyan. Puwede na nga rin itong i-take before pa man magbuntis as per my OB. Nagsimula narin akong uminom ng gatas noong confirmed na talagang buntis ako. I took anmum by the way. Pero kung ayaw sa lasa ng anmum puwede iyong mga low fat milk or yong birch full cream milk powder nalang kasi walang sugar yon. Umiwas sa mga matatamis. Ako naman noon dahil nga coffee drinker ako, naging alternative ko yong milo. Although hindi naman ito everyday, pero muntik akong magka-Gestational Diabetes. Kaunti nalang, malapit na talaga ako sa boarder. Kasi kung iisipin mo, hindi lang naman ito ang food na nakakain ko that contained sugar. Minsan nga may paghirit pa akong kumain ng mga chocolate biscuit. So as much as you can control your sugar intake, do so. Ako hindi ako aware noon. Nagsisi nalang ako noong malapit na akong manganak kasi tinest na ako ng OGTT, so don ko lang nalaman na malapit na pala akong magkaroon.
Also, meron akong App na "The Asian Parent" na nagsilbing guide ko the entire pregnancy ko. Most especially sa mga food. Dahil wala nga akong masyadong mapagtanungan dati o idea what is allowed and not allowed to eat kaya chinecheck ko nalang minsan sa The Asian Parent app. This is a very helpful app for me and something that i can really recommend. Meron pa nga silang mga palaro, voucher na binibigay in exchange of points na na-earn mo sa mga activities na nacocomplete mo. It's a fun app too. Nagagamit ko parin to hanggang ngayon kasi naging monitoring tool ko naman siya sa development ni baby (milestone).
So these are the fruits that i was able to eat during my pregnancy:
Banana
Avocado
Green mango
Orange
Apple
Siniguelas
Strawberry
Pipino
Watermelon
Kiwi
Bayabas
Strawberry (I was able to eat this once or twice lang. But strawberries are really nutritious and good to eat)
Sa mga gulay naman wala akong masyadong iniwasan bukod sa papaya. But i was able to eat a lot of malunggay before na may sabaw. Kaya din siguro pagkapanganak na pagkapanganak ko lumabas agad ang breast milk ko at talaga namang napakarami. Spinach was also in my diet before, pati talbos ng kamote, kangkong, ampalaya, halos lahat ng regular veggies na nakikita sa palengke kasama sa diet ko.
Nakakain din ako ng pinya pero i think twice lang, pinagbibigyan ko lang yong cravings ko. There are rumors kasi na bawal ito, but it's okay if moderate. Yong hinog na papaya naman, hindi ako nakatikim nito habang buntis ako. Probably because of the bad reputation for the pregnant na sinasabi lang din nila. They are claiming na dahil daw kasi sa dagta nito (yong white liquid na lumalabas sa fruit or tree ng papaya). I don't really know much about this fruit kung bakit bawal pero hindi nalang din ako kumain para sa safety nalang namin ni baby. It's okay, at least i eat a lot of green leafy veggies, fruits and not too much meat okay na. Basta balance naman ang diet.
I remember hindi rin ako basta-bastang naglalagay ng mga pamahid sa katawan during my pregnancy, tulad ng efficascent or any oil. Even perfume iniwasan ko at mga pulbo. Ang ginamit kong oil para sa tummy ko before ay yong olive oil for skin. Well good thing is hindi ako mahilig magpulbo kapag nasa bahay lang naman ako. Also i completely stopped coffee from the day we decided to try again and get pregnant. Totally and completely. So technically two weeks bago pa man ako mag-PT ay wala na talagang coffee at all. Sa previous pregnancy ko kasi, malaki din ang naging part ng pregnancy failure ko dahil sa hilig ko sa kape. Ang coffee ko dati is black coffee. Minsan nilalagyan ko naman ng creamer but still it's very wrong to add it in your diet. Pero on my second trimester humigop naman ako konti ng 3in1 coffee, literal na tikim lang. At tumikim lang ako after ko mairaos ang first trimester.
So basically, your diet plays a big role talaga sa pagbubuntis natin. You know why? My diet got ruined during my third trimester, i think some time eight going nine months. It was messed up noong may nag advice sa akin na kainin ko na lahat ng gusto kong kainin because i won't be able to taste those anymore after giving birth. And so i started to eat burger from jollibee with a pair of iced tea, not just once or twice but multiple times. Until just few days before my EDD nag-spike yong Blood Pressure ko into 150/100. I know, it was my fault. Without understanding and digging deeper sa information na sinabi sa akin basta-basta nalang akong kumain ng mga unhealthy food. I was admitted four days sa hospital because i was under medication and monitoring for BP dahil ayaw bumaba ng BP ko sa mga oral medicine. At kahit sa IV na idinaan ang gamot kaunti lang din ang ibinaba ng BP ko.
So yes malaking factor ang kinakain natin sa pagdadalang tao. My advice? Stick to your healthy diet at least during the entire pregnancy period man lang para maiwasan ang mga komplikasyon na kaya namang iwasan. Tulad nalang ng nangyari sa akin na biglang pagtaas ng aking blood pressure. Sinisi ko ang ang mga kinain kong junk food na mga burger, fries and sweet drinks tulad ng iced tea dahil simula tumikim ako ng mga ito ay biglang nagbago ang BP ko. It is really possible na dahil sa mga pagkaing ito ay muntik akong malagay sa alanganin. Mabuti nalang noong nine months na ako nagsimulang tumikim-tikim ulit ng mga ito, at malapit ang EDD ko. But imagine if nagsimula na akong kumain ng mga ganito on my seven or 8 months, that means it is possible na mas malaki ang maaring naging damage sa akin.
LESSON LEARNED: Listen to your own body, trust your guts. Kailangan mo talagang maging aware sa mga iniintake mo for you to have a healthy body and delivery.