Kapag nakakagapang na si baby at naitutukod na ang kanyang mga kamay, makakatulong kay baby (infant) kung ma-train natin siyang palakasin ang mga braso. Iposisyon lamang siya ng nakataob at nakatukod ang mga kamay ng ilang segundo, maging consistent lang hanggang sa masanay siya at kaya na niyang i-support at i-hold ng sarili niya ang ulo niya. Ulit-ulitin lamang ito na parang gawin narin niyang pinaka-exercise niya sa araw-araw hanggang sa matutunan niya yong skills at mapatatag o ma-exercise ang endurance niya.
Sa ganitong paraan kasi maiiwasang maibagsak niya ang ulo sa sahig. During our time ng baby ko hindi ko kasi ito nalaman, that's why I am sharing it now. As early as two months old naman nakakadapa na ng sarili niya ang baby ko, nabubuhat narin niya yong ulo niya. Pero tulad ng sabi ko, I wasn't able to strengthen his arms talaga kaya maraming pagkakataon noon na naibabagsak niya sa sahig ang ulo niya. At wala akong idea na puwede palang i-train ang baby na palakasin ang mga kamay o braso niya. Gayahin lang ang picture sa taas at hayaan siyang nasa ganyang posisyon ng ilang minuto habang nilalaro mo siya. That way hindi natin siya napupuwersang gawin ang isang bagay. Akala lang niya nakikipaglaro tayo sa kanya.
At sa mga panahong nakakaupo naman na si baby, mas lalo itong magiging mapasyal, kung saan saan magsususot ika nga o kaya kung saan saan aakyat. Dito narin nila unti-unting gagamitin ang lakas ng kanilang mga paa para itayo ang katawan nila. And then eventually hahakbang na yan. At sa oras na nagpakita na siya ng kakayahan o kagustuhang umakyat, alalayan lamang siya ng mabuti para magawa niya ito. Kasi malaking improvement ito sa physical niya. Mas maaga niyang mamaster ang grip niya at pagbalanse sa sarili niyang bigat o katawan mas maaalalayan niya ang katawan niya sa mga pagkakataong ma-out of balance siya o maka-encounter ng mga aksidente tulad ng pagkahulog. Nakakapagod man sundan-sundan ang bata, pero kailangan ng full attention ng bantay upang mamaster niya ang mga skills na kailangan niya sa paglaki.
Tulad sa nabanggit ko sa isa kong post o blog, gawing baby proof ang bahay dahil dito kasi ang main playground talaga ng ating mga anak. Kaya kailangan i-safety narin natin ang ating bahay na ginagalawan nila sa araw-araw. Para kahit masubsob man sila ay hindi gaanong mabigat ang damage o impact sa kanila. Ang mga bata pa naman ay hindi nakakapagsalita at nasasabi o naeexplain ang mga sakit na nararamdaman nila. Kahit saang area kayo ng bahay ay puwede siyang magpractice ng physical activities. Puwedeng puwede siyang maglaro ng hindi ka masyadong nag-aalala. Malaking bagay din talaga ito sa ikapapanatag ng loob natin tuwing play time ni baby at siyempre sa benefit narin ni baby.
Bukod dito ay pakainin din si baby ng mga gulay sa murang edad palang. Piliin at maging mapanuri lamang ang mga pagkain na puwede na sa edad nila. Sa baby ko six months old namin inintroduce ng pediatrician niya ang sem-solid food. Ito yong mga pagkain na dinudurog ng pinong pino. Sa akin dati blender ang ginagamit kong pangdurog. Kapag napakuluan ko na ang gulay, halimbawa ang carrot na sliced into cubes ay saka ko na dudurugin sa blender. Every three to four days ako nagpapalit nuon ng gulay na ipapakain sakanya. Kailangan ganon ang routine para kung magkaroon man ng reaction sa kanya yong gulay na ibinigay ko eh alam ko kung aling gulay yong nag cause nito. Nagbeblend din ako ng something green dati tulad ng sitaw, sayote at upo. Pero yong upo tinatanggal ko talaga lahat ng buto nito bago ko palang lutuin. At hindi ko pa siya pinapakain nuon agad ng mga hilaw na pagkain tulad ng mga mangga.
Noong nag turn 8 months na siya saka ko naman nilevel up ang food niya. Nagluluto na ako ng lugaw, chicken soup, pinapatikim ng malunggay pero tyinatyaga kong hinahati yong mga dahon ng malunggay. Pinatikim ko narin siya nuon ng mga kamote, gabi na lutong luto at dinudurog tapos nablender na mais. Talagang pinag-iisipan ko rin araw-araw nuon kung anong ihahain ko sakanya sa susunod. Dito ko narin inintroduce sakanya ang saging pala, na may halong whole rolled oat meal tapos may halong gatas niya. May guide ako nuon sa mga pagprepare sa food ni baby. Bukod sa The Aisan Parent na app ay talagang nanunuod at nagbabasa din ako ng mga food na puwede at bawal sa edad niya. Takot talaga akong mabigyan ko siya ng something na ikasasakit ng tiyan niya kasi hindi pa marunong magsabi kung anong masakit sakanya. Kaya naman maingat talaga ako nuon. Lahat halos ng inooffer ko sakanya ay yong mga luto lang.
Importante din na magkaroon siya ng araw-araw na activity. Kailangan din natin silang ilabas mula sa loob ng bahay upang maexplore ang outside at madestress din sila. Mahalaga ring nagbabago at nakakakita sila ng ibang setting o environment lalo na kung nakakalanghap sila ng fresh air. Nala-lighten up ang mood nila, narerefresh din sila, parang tayo lang din na kailangan din natin maunwind o marelax paminsan minsan. Pero sa edad talaga nila importante itong factor na ito para sa development ng skills at ng brain nila. Isang benefit din sakanya na makakita ng ibang bata at makapaglakad lakad sa labas ng may shoes. Hindi mo lang siya basta nate-train kundi nage-enjoy din siya, dual purpose kumbaga. At dapat araw-araw niya itong nagagawa, dapat regular. Laanan talaga natin ng oras ang ating mga baby. Ultimo pagpapaaraw niya sa umaga, mainam kung 6am to 7am napapaarawan na sila. Napakalaking advantage sa kanila to, malaking tulong sa physical development nila. Nakakapaglaro na umaga, naaactivate pa ang vitamin D nila.
Hindi man madali ang magpalaki ng bata, nakakapagod man ito, pero kailangan maibigay natin ang mga simpleng bagay na ito para sa ikabubuti at development nila talaga. Sacrifice lang talaga sa ngayon na bata pa sila. Well actually hindi naman talaga natatapos ang sacrifice ng pagiging isang magulang pero hanggat kaya nating gawin ang bagay para sa mga anak natin, eh gawin na natin, lubos lubusin na natin.