Nag-aaway na Magulang

 Producto ako ng isang high conflict home o may parents na regular na nag-aaway. Nais kong ibahagi ngayon kung ano ang epekto nito sa mga bata o anak.

Nagresearch din muna ako to make sure that what I am about to share is truly related from my childhood experience.  

Isa sa mga pahirap na epekto nito ay ang problema o hirap na pagbuo ng healthy brotherhood/sisterhood relationship. Mismong mga magkakapatid ay possibleng hindi magkakasundo. Hindi lang ang siblings conflict ang maaring madevelop kundi pati narin ang parental conflict. Ang laging pag-aaway ng magulang ay maaring magaya ng bata at mai-apply sa mga makakasalamuhang kalaro o ibang bata dahil ito nga kasi ang nasasaksihan niya sa mga modelo niya sa buhay. Kapag hindi naitama ang ugaling ganito ay dadalhin na ng bata yan hanggang pagtanda.

Ayon sa pag-aaral noong 2013 sa child development maaring makasira sa cognitive performance o mga bagay kaugnay sa attention span, memory, abilidad sa pagresolba ng mga challenges o problema at iba pa. Kasama rin sa mga naging pag-aaral na mahihirapang mag-adjust ang bata pagdating sa school at mas mataas ang chance na magdrop out ang bata at makakuha ng mababang grado. Kasama din ang negatibong pananaw sa buhay at mababang self-esteem o pagpapahalaga sa sarili. Kapag stressful ang paligid ng bata maari itong makasira sa pisikal, sikolohikal at sa normal/malusog sanang paglaki nito. 

Ikukwento ko ngayon kung paano ako personal na naapektuhan ng problemang ito at kung paano ko ito dinadala.

Simula yata nagkamalay ako namulatan ko na ang regular na pag-aaway ng magulang ko, dahil may mangilan-ngilan akong kinder memories na nagsisigawan sila. Somehow, ngayon na mas naiintindihan ko na ang epekto nito sa isang paslit ay hindi ko maiwasang maawa sa batang ako. Totoong nahirapan ako sa eskuwela. Bukod kasi sa walang magtuturo sa akin, ay hindi ko na kayang mag-focus, masyado na akong distracted sa bahay. Sa makatuwid hindi ko pa man natututunan ang akmang skills ng 6 years old ay abala na akong iproseso ang mga kaba at takot na emosyon.

Noong grade 1 ako merong pagkakataon na nasagad na yata si ma'am kaya paparusahan na niya yong mga walang nagawang assignment. Maalala ko nagkukuwanri akong naghahanap pero alam na namin ni teacher ang katotohanan na wala talaga akong nagawa. Dati papaluin pa ang palad mo kapag nakita ni mam na madungis ang kuko mo. Kinder lang din yata ako noong sinimulan na akong ikumpara ng nanay ko sa kalaro ko na teacher ang nanay, na mas malakas daw siya, masipag, kumakain ng gulay at mas marunong (sa academic). Sa ganitong edad ko naramdam na parang isa akong malaking MALI, hindi ako magaling, wala akong kumpiyansa sa sarili ko kasi mali ko nalang din ang napapansin ko.

Matatandaan ko ring meron akong kalaro na napalo ko ng laruan sa bandang ulo dahil nagalit ako, mga 7 years old yata ako nuon. Umuwi siyang umiiyak and then me on the other hand felt really bad sa ginawa ko. Possible talagang nagawa ko yon dahil nabubuhay ako sa bahay na lunod sa galit ang mga magulang. Wala akong idea sa paghandle ng emotion ko, pag nagagalit ako galit na galit talaga. Ang tatay ko'y laging nakasigaw, normal na ang pagmumura. Pag may utos madalas may kasamang mura, pag ayaw mo ng ulam sisigawan ka ng mura. Sa umaga naman gigisingin kami sa sigaw kasi magsasalok kami ng tubig na ipangpupuno sa tangke namin bago pumasok sa school. Kadalasan naman naming almusal eh kape at kanin, isasabaw namin yong timpladong purong kape sa kanin. Minsan masuwerte ang umaga kasi may halong gatas ang kape. Minsan lang makatikim ng itlog sa umaga, at masayang masaya na yong tiyan ko non pag itlog yong naulam ko bago pumasok. Minsan naman walang kain bago pumasok.

Sa makatuwid matagal na panahon na na-program ang utak ko sa ganitong environment o paraang pagpapalaki sa akin. Kumbaga yong pagkakaprogram matibay! Gustong gusto ko itong baguhin kaya lahat ng paraan ginagawa ko upang matulungan ko ang sarili kong mabago yong kinalakihan o kinasanayan. Nagbabasa ako ng mga libro, ikinuwento ko sa partner ko ang sitwasyon ko, humihingi ako sa panginoon ng gabay at kung anu-ano pa. Ngayong matanda na ako saka ko lang naunawan ang mga kahinaan ko. Ngayon ko lang naunawaan ang mga insecurities ko. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit hindi ako matalino sa school, kung bakit hirap akong magfocus, kung bakit hirap akong mag-memorize, kung bakit hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko sa iba. Sa totoo lang ang hirap humabol mag-aral ng mga life skills. Pero eventually naintindihan ko rin naman na ang daan sa pagbabago ay pang-unawa at pagpapatawad. 

Hindi ko nga lang maikukubli na nahihirapan ako ngayon na nasa 30's na ako sa paghandle ng anger ko. Parang ang iksi-iksi ng pasensiya ko lalo na sa asawa ko. Ang unfair sa kanya, alam ko. Tuwing napapag-isa ako umiiyak ako. Galit ako sa sarili ko. Nahihirapan akong baguhin yong nakasanayan na. Ang daming tanong sa utak ko. Sana Lord kahit mahirap nalang kami nuon. Kaso mahirap ka na nga pinapatay pa ang pagkatao mo. Tinatanggalan ka pa ng karapatang maging matapang o magkaroon ng sariling paninindigan at paniniwala sa sarili. Lahat nalang hinubad. Ang hirap humabol aralin ang mga basic skills na ito mag-isa. Ang dami kong mali. Ang daming taong nakaabang ng mga pagkakamali ko. Eh Lord hindi pa naman ako matatag! Tinaggalan na nga ako ng tiwala sa sarili diba? Paano ba ako lalaban ngayon? Pag may sinabi ang tao tungkol sa akin na "hindi ko kaya" parang unconsciously don narin papunta yong direction ko. Ang dami kong katanungan sa totoo lang. Kabilang na dito ang, "bakit ba ako ipinanganak na ganito, mahina" All along mula bata ako akala ko kasalanan kong mahina ako. Mahirap pala talaga kung sa bahay magsimula ang problema.

Sa tulad kong mga parents at magiging magulang palang, sana'y gawin natin lahat upang matulungan ang ating mga anak na mas matibay na indibidwal (sa puso at isip), at matalinong pilipino o mamamayan. Piliting huwag ipakita sa bata ang pag-aaway dahil maraming masamang epekto na huhubog sa kanyang pagkatao at madadala niya hanggang pagtanda. Malaking factor ang impluwensya natin sa ating mga anak, malaki ang magiging role nito sa pagtahak niya sa magiging buhay niya, sa trabaho niya at pagkakaroon ng sariling pamilya. Tulungan natin silang maging matatag lalaong lalo na sa isip at the same time maging mabuting tao.

Previous Post Next Post

Contact Form