Kung first time mom o parent ka, basahin mo to kasi isa ito sa mga hindi ko talaga inaasahan. Bagay na hindi ko rin nabigyan ng panahong basahin o alamin. At bagay na ikinagi-guilty ko hanggang ngayon. At bagay na talaga namang hindi ko matanggap. Gusto kong i-share para maiwasan ito ng iba, lalo na yong mga bagong nanay o parents tulad ko. Mas mainam talaga yong may alam. Be a wide reader and make an effort to do your own research about babies.
Kung katulad kitang walang alalay ng mas nakakatanda o may karanasan sa bata, para sayo nga itong post na to. Isa ito sa mga gustong gusto kong i-share sa mga bagong parents dahil personal ko itong naranasan at nagdulot ng permanent regret. At totoo, nakaka-guilty! Matagal ko nang gustong gumawa ng post tungkol dito para mabigyan ng babala ang mga kapwa ko first time parent at mom.
Although nagbabasa-basa naman ako ng mga article bago ako manganak, pero ito yong isang bagay na hindi ko nabasa o iniresearch man lang. Ingatan ang shape ng ulo ng bata.
Ano ang ibig kong sabihin dito?
Ano ang ibig kong sabihin dito?
Bilang first time parent ipinagsalawang bahala ko yong napapansin ko dati na parang napa-flat yong side ng ulo ng anak ko. Akala ko babalik nga naman sa dati at bibilog mag-isa, dahil ito nga naman ang madalas sabihin ng iba na aayos din daw ng kusa ang ulo ng bata. "Bibilog din mag-isa" iyan ang ibig nilang sabihin. Sa kakahintay kong umayos nga ng kusa ang ulo niya umabot na kami ng isang buwan. Tapos tatlong buwan. So habang lumilipas ang mga buwan lalo namang lumalala yong pagka-flat ng ulo niya. Doon na ako nagsimulang mabahala. Hindi ko na talaga maitago yong kaba at frustration ko. Iyon nga lang, seven months na siya noon, mage-eight na. Doon na ako nagsimulang malungkot. Kasi alam ko na huli na ako, kahit idaan ko pa to sa mga mamahaling unan hindi na to kakayanin.
Bumili ako ng correction pillow na worth 5,000 sa pag-asang maayos pa yong flat head ng baby ko. Kahit takot akong lagyan siya ng unan dahil baby pa nga, hindi pa talaga advisable bigyan ng unan ang mag infant, nag-take risk ako. Yes hindi talaga advisable na unanan ang baby dahil sa possibility ng tinatawag nilang SIDS. Pero ang ending nga wala na talagang good result. Gumastos lang ako ng malaki. At nadisappoint lang ako. Nalungkot lang ako. Kahit anong gawing ko wala na akong ibang paraan.
Dinala ko na sa pediatrician niya. Sinabi ko ang pag-aalala at ang concern ko na talaga namang bumabagabak sa akin ng mahabang panahon na. Ang sabi ni pedia, wala talaga kaming puwedeng gawin. And she looks like hindi man lang nabahala sa sitwasyon ng baby ko, knowing na siya talaga ang regular pedia namin. Kaya niluwagan ko na yong loob ko at pag-aalala ko. Sabi ko baka masyado lang akong paranoid. Baka nga hindi naman talaga ganon ka-big deal ito.
Dinala ko na sa pediatrician niya. Sinabi ko ang pag-aalala at ang concern ko na talaga namang bumabagabak sa akin ng mahabang panahon na. Ang sabi ni pedia, wala talaga kaming puwedeng gawin. And she looks like hindi man lang nabahala sa sitwasyon ng baby ko, knowing na siya talaga ang regular pedia namin. Kaya niluwagan ko na yong loob ko at pag-aalala ko. Sabi ko baka masyado lang akong paranoid. Baka nga hindi naman talaga ganon ka-big deal ito.
Sa totoo lang, ang isa sa mga worry ko talaga yong posibilidad na mabully siya sa pagkaflat head niya at tawagin siya ng kung anu-anong pang-aasar. Ang tagal ko itong iniisip isip. Sa totoo kahit hanggang ngayon na 3 years old na siya hindi ko parin maiwasan na malungkot. Ang dami ko nanamang "sana". Sana hindi ako nagpakampante. Sana nag-usisa na ako ng maaga. Sana ginawan ko agad ng action. Sana mas pinagana ko yong analytical kaysa sa sabi sabi ng iba. Ang hirap lamunin ng sarili mong guilt sa totoo lang. Sabi ko nga, ganito pala ang feeling ng pagiging nanay. Halos lahat ipag-aalala mo. Tapos kapag may nagawa kang mali sisisihin mo na ang sarili mo ng walang katapusan.
Kaya ito ang mga maipapayo ko, base rin ito sa sariling pareresearch ko tungkol sa case na ganito (Flat Head) at sa personal kong karanasan.
UNA: At two months puwede mo nang i-tummy time si baby, yong padapain siya para hindi lang siya laging nakatihaya. Magandang way din ito para makapag-burp ang bata. Ang pagkarga kay baby ay isa ring paraan para maiwasan ang laging nakahiga. The more time na nakahiga kasi siya, mas mataas ang chance ma-flat ang ulo.
PANGALAWA: Huwag hayaang palaging sa iisang side lang ng ulo ng bata ang nakalapat sa higaan. Ilipat sa kabilang side ng ulo ang pagkakahiga. Be mindful talaga na ilipat lipat talaga ang posisyon ng ulo ng bata kapag nakahiga o natutulog.
Sa oras na lumala ang pagka-flat mas mahirap na itong ibalik sa dati. Huwag na nating hintaying lumala, na yong tipong imposible nang bumalik. Hindi makakatulong ang mga unan na nagke-claim na iaayos kuno ang flat head shape ng baby na pagkamahal mahal. Iyan ang masakit na katotohanan. Tapos hindi pa safe lagyan ng unan ang baby, kaya it's a big NO NO for me. At hindi rin gumana o totoo yong mga advice ng iba na imassage daw na parang bilug-bilugin yong ulo ni baby. Nakakatakot pero sinubukan ko rin yan. Nakakatakot kasi soft and fragile ang ulo ng baby, kaya kailangan alalay talaga sa pagmassage massage. At sinabi din ni pedia na hindi nga totoo yon. Don nalang tayo sa prevention. At mas mainam parin talaga na maagap at umiwas kung kaya namang iwasan. Mahirap magsisi.
Sising sisi man ako ngayon, pero kahit papaano natatakpan naman na ng buhok niya yong shape. At hindi rin naman ganon kasagwang tingnan. Kahit ganon, hindi parin mawala-wala yong lungkot ko dahil sa katotohanang kaya ko naman sanang i-prevent yon pero hindi ko ginawa. I know this feeling is quite normal na sa mga tulad kong mommy. Hindi talaga natin maiwasan ang pag ooverthink. I guess that's a part of our role na talaga.
Sa ngayon may time parin na inaayos ayos ko yong position ng ulo niya kapag natutulog siya. Although it's not a big help, at tanggap ko narin na hindi na mabibilog talaga ng mabuti pero doon kasi sa bandang flat madalas siyang nakahiga o nakalapat. Gusto ko lang ayusin para masanay naman siya sa kabilang side.