Laruang Pambata Na Angkop Sa Edad Ng Baby


Pagdating sa mga toys ng baby, kailangan talagang piliin ng mabuti ang mga angkop sa edad nila. Iwasan ang mga maliliit na laruan na maaring makapasok sa butas ng ilong o sa bunganga na maari niyang malunok o magbara sa lalamunan. Usually sa mga infant eto yong stage na gusto nila yong mga nakakagat, dahilan narin kasi ng pagngingipin nila.

Kung bibilhan ng laruan I would suggest na more on teether kasi gustong gusto nila ng may ngina-ngatngat o sinusubo ang mga infant na edad. At ang mga toys na mayroong button and sounds ay makakatulong sa development nila sa motor skills, creativity at imagination. Sa panahong nakakagapang na ang bata, mas mainam narin na lagyan ng mga protection ang mga wall at sahig para sa pag-eexplore ni baby. 

Ito ang ilan sa mga halimbawa na maaring ipalaro sa mga baby na three to one year old.
1. Stacker o iyong mga laruan napapag-patung patong.
2. Pull Toys. Halimbawa ay ang toy car na nilagyan ng hila-hila o tali.
3. Musical Toys tulad ng Xylophone Piano Toys
4. Sensory Books. Mga librong may kasamang tunog, bukod sa picture at words.
5. Stuffed Toys.

Maraming iba't ibang klase ng teething toys na mabibili sa Shopee at Lazada. Pati na ang mga Montessori toys na akma sa infant o iyong mga naglilikha ng mga sounds or noise. We don't need to buy them bunch of toys at mga mamahalin dahil sa totoo lang, minsan mas naaappreciate pa nga ng mga baby ang mga gamit natin sa bahay, iyong mga madalas nilang nakikitang ginagamit natin. Tulad nalang ng mga lagayan ng tissue, mga remote ng TV, Sandok at kung anu-ano pa.

I wouldn't suggest na bilhan ng mamahaling mga laruan dahil usually yong oras nating makipaglaro sa kanila ang pinaka-useful or pinakamakakatulong sa kanila sa development nila. You can still buy them expensive toys, but the point is masisira din naman, why don't we buy the cheaper version of this toy nalang? Mas praktical, kung gusto mo talaga yong toy na yon. Find the cheaper version of it.

By the time naman na nakakalakad na ang baby at mahilig nang sumunod sunod sayo, mas nagiging curious lalo siya sa mga bagay na tulad ng pinto, saksakan, ref at iba pang medyo delikado sa edad niya. Pagdating sa mga saksakan tinatago nalang namin sa liko ng mga appliances tulad ng cabinet tapos gagamit nalang kami ng extension na kung saan puwedeng puwede mo talagang itaas sa hindi niya kayang abutin.

Anu mang bagay na maliliit na possibleng laruin ni baby, designed as toys man ito o gamit sa bahay ay importanteng bigyan natin ito ng pansin. Iligpit ang mga maliliit na bagay na magkakasya sa bunganga ni baby o sa ilong dahil lahat ito ay danger sakanya. 
Ang mga pilipino ay mahilig maglagay ng mga bracelet sa baby dahil sa mga kanya kanyang paniniwala. Ngunit hindi alam ng iba na puwede itong maglagay sa alanganin kay baby. Maaring mahablot ni baby ang bracelet at mapigtas, kung saan ang mga beads nito ay puwedeng maipasok ni baby sa kanyang ilong. Unahin natin lagi ang kaligtasan ni baby at ilayo ang mga bagay na harmful sakanya.

Pero bakit nga ba mahalaga sa bata ang laruan? Ano ba ang maitutulong nito?
Ang paglalaro ang kanilang paraan upang makapag exercise at mapalakas ang pisikal na aspeto nila. Malaki ang ambag nito sa kalusugan nila. Sa paglalaro napa-practice ang kanilang pang-unawa, nagdidiskobre sila at inaaral ang laro o paano paganahin ang isang laruan. Sa paglalaro nag-eenjoy sila at naaalis ang stress. Importante din na makipaglaro ang bata sa kapwa niya bata para sa social development at unti-unting maintindihan ang concept ng sharing.

Mayroong mga indoor playground na puwedeng pagdalhan sa mga bata na may safer environment at lesser ang risk sa accident. Sa aking toddler regular ko siyang pinapalaro sa labas ng bahay at makipaglaro sa mga kapit bahay pero palagi akong nakabantay. At dinadala ko rin siya sa mga indoor playgrounds na malapit sa bahay namin. Sa mga indoor playground marami silang iba't ibang educational toys na available and something realistic kaya gustong-gusto itong puntahan ng toddler ko tulad ng grocery counter. There are times na talagang siya na ang nagyayaya na pumunta ng playground, it's because he is really enjoying his time there.

When your little ones wants to play (toddler or seven years old man yan) let them enjoy their childhood, allow them. This is the most effective way to learn and discover a lot of things. Nagagawa nilang mag-analyze at imagine, nagagamit at naeexplore ang mga senses tulad ng touch, hearing, smell, taste or sight. The best part of playing is, they are actually learning in a fun way. Hindi kailangan ang pressure. Puwede mo silang bigyan ng educational toy or activities that will make them think. With no pressure of course.

Do you ever notice when you make your child learn, yong tipong pinapa-basa mo siya o pinapagawa ng assignment. There are instances sa mga ganitong eksena na reluctant ang bata. Na para bang tinatamad. Kailangan pang pilitin. But honestly kung ganon ang ipinapakita ng bata na response, baka kailangan mo nang kumustahin ang approach mo sa kanya. Maybe he is not having fun anymore, maybe it's already stressful for him. Pero subukan mong paglaruin yan, sigurado hindi ka makakarinig ng question. My point is, gawin mong fun yong learning session niyo. Alisin mo yong pressure. Make it like you are just playing. Magiging effortless yan, siya na ang magkukusa kung masaya ang environment. 

Remember though, na kung in-announce niyang hindi niya alam ang isang bagay, listen and understand, not shout and force. Patience and Understanding will always be the key here. Kung makikinig ka sa sinabi niya at inunawa ang pinanggalingan niya, magiging smooth ang session niyo at hindi mo kailangang high-blood'in. Kids doesn't know everything. Kids can forget easily when they sense pressure and under stress. They are only starting to learn basics, please never ever forget this. Kung pairalin natin ang pang-unawa imbes na inis kung bakit hindi niya ma-gets yong sinasabi natin, wala nang pilitan na mangyayari. Kusa nang kikilos ang bata, basta pairalin ang pag-intindi sa"bata".
Previous Post Next Post

Contact Form