Loneliness of a Stay-at-Home Mom (SAHM)

Habang buntis ka, have you ever felt like questioning yourself whether you can fulfill the role of a mother? Kung kakayanin mo ba yong mga responsibilidad ng isang ina at yong takot at kaba na baka hindi mo kaya?


Have you ever feel of being left behind? Like everyone you know are now successful or about to achieve their goal, while you feel stuck in one place. That in a way parang nakakaramdam ka ng inggit.
Have you ever feel like no one has the time to talk with you? Like sometimes even your husband barely talk to you when open up the things you want to talk about? Yong pakiramdam na walang gustong makipag-usap sayo, parang isolated ka. Have you ever feel like you wanted to go back to work so bad because you feel like your skills are slowly slipping or fading away, yong makakalimutin kana na parang hindi na sharp katulad dati prero wala kang choice but to stay at home because no one can do your job as a mother.

So many feelings a mother can feel when you are always at home with no one to talk to. You are silently observing and watching everybody, being so busy working on their dream jobs. With all these feelings I feel like I am lost. It's like my body is fulfilling my motherhood role but my mind is somewhere else. These comparison, the envy and loneliness are my constant companion. May mga pagkakataon na nalulunod ako sa mga emosyon na ito. At kapag nasa ganong estado ako ay apektado pati ang mood ko minsan. Wala akong masyadong option kahit ulit-ulitin ko pa itong i-play sa utak ko. Ilang beses ko narin in-attempt maghanap ng trabaho pero sobrang bigat ng loob ko tuwing nagja-job hunt na ako. Maisip ko palang na iiwan ko sa ibang tao ang bata araw-araw umaatras na ang mga paa ko.

Sa isip ko, hindi talaga puwedeng iwan ang bata sa yaya, at yon din ay kung meron mang ma-hire na yaya ngayon. Sinubukan naming maghanap ng yaya sa mga probinsya namin ni mister pero walang makuha. Mahirap naman mag-hire nalang basta sa online ng hindi mo kilala. Sa dami ng reported incident ngayon tungkol sa mga yayang ina-assault ang alaga nila mukhang hindi rin ako mapapalagay sa trabaho. Hindi birong ipagkatiwala ang bata sa mga hindi mo lubusang kilala. Mas maigi nang nag-ingat kaysa pagsisihan ito sa huli. Inisip ko nalang na may dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon. That maybe i should be thankful instead because i get to take care of my child, and that my husband is capable enough to provide for the whole family.

Dahil wala akong gaanong nakakausap, I bought a books about mind, behavior, na puwedeng makatulong sa akin para mapalakas ang isip ko. At dahil available naman ang internet sa bahay naghanap ako ng mga bagay na interesado akong aaralin (kabilang na nga dito yong gumawa ng blog at vlog). Ang pagbabasa ko ng libro ay para maifocus ko yong sarili ko sa mga gusto kong gawin at hindi ko patuloy na ikinukompara ang sarili ko sa iba. Nakakalungkot pakinggan na ikinukompara ko ang sarili ko, pero maniwala ka ginagawa ko ang lahat upang mabago ko ito. Marami din akong kailangan baguhin dahil nanay na ako. Ayoko rin naman kasing mamana pa ng bata yong mga negative traits ko.

Ang pagiging ina ay isa palang sagradong trabaho. Lahat ng klase ng sacripisyo kaya mong tiisin, at walang katapusang effort ang kaya mong ibigay. Isa pang bagay ang nagpapatatag sakin ay ang katotohanang "The only thing constant in life is Change". Napapagod ako sa dami ng trabaho ko sa loob ng bahay pero alam kong isang araw magbabago din ang routine na 'to. At ang bata na kung saan madalas nakatali ang aking mga mata magkakaroon din ng sariling mga kaibigan at pagkakabisihan. Pansamantalang hihinto ang buhay nating mga babae pero pag dumating yong oras na maaari ka nang makipagsabayan sa trabaho, siguradong mas mahusay na version na ng sarili mo ang sasabak sa trabaho.

Maaring nakakainip ngayon, may oras na hindi parin maiwasan malungkot o mainggit, maaring nakakapressure din, lagi mo lang itong tatandaan… "Walang permanente."  Sang-ayon ako sa sinasabi nila na enjoy your time (or moment) with your little ones (toddler or small kids) kasi sa pag edad nila mas marami na ang oras nila sa mga kaibigan at trabaho nila. Unti-unti ko narin tong nare-realize habang lumalaki na ang toddler ko. May mga pagkakataon na mas masaya siyang nakikipaglaro sa mga batang kalaro niya sa labas, kahit abutin ng gabi ayaw pang umuwi. Hudyat na ito na lumalaki na ang bata.

Kaya mommy kung ganito rin ang sitwasyon mo at isa ka ring SAHM or stay at home mom, huwag muna tayong magpapagulo sa mga nakikita natin sa iba. And it's totally normal and valid to feel all these emotions. Kalma ka lang mommy. Focusan muna natin sa ngayon kung ano yong mahalaga, ang bata o ang buong pamilya at enjoyin ng husto ang pagiging bata ng mga anak natin. Yon lang naman ang importante sa ngayon. One at a time ika nga. Gumawa tayo ng mga masasayang memories na babaunin nila hanggang pagtanda. Kapag nasatisfy sila sa paglalaro at pagiging bata, mas marami silang life skills ang mahahasa at madadala sa pagharap ng hamon ng buhay.

Alagaan natin ang mga sarili natin upang maibigay natin yong best performance ng pag-aalaga sa ating pamilya. Ganon din ang mental health, dapat equally balance sa physical at mental. Kung dumating man yong puntong pakiramdam mo'y kailangan mo na ibang outlook o advice ng ibang tao then by all means huwag kang magdalawang isip. If you need a professional help, you do it and do not hesitate to seek one. Tandaan na tayo ang mas nakakaalam kung kailan natin kailangan ng tulong at anong klaseng tulong. Huwag isipin ang sasabihin ng ibang tao kung kalusugan na natin at ng buong pamilya ang nakasalalay.

Walang ibang makakatulong sa atin kung hindi tayo lang din. At kung may kilala kang kailangan ng alalay, it's good to ask if they need someone to talk with. Let's help each other.

Previous Post Next Post

Contact Form