Isa ka rin ba sa naniniwala na "huwag matutulog ng magkagalit?
Namahay din sa utak ko ng ilang taon itong kasabihan na ito. Ayusin agad ang problema." Naging dahilan din ito minsan ng dagdag sama ng loob ko kasi imbes na suyuin ako ng asawa ko, masarap pa nga ang hilik niya sa gabi. Tuwing ganito siya hindi ko maipaliwanag yong frustration ko, o sama ng loob ko. Feeling ko mas napapatungan ng isa pang problema yong mga problema na hindi na nga napag-uusapan. Aminado ako noong bago pa kami ng asawa ko na minsan ko narin tong naging sukatan ng pagmamahal niya sakin. Minsan narin akong hindi pinatulog nito.
Ilang away din ang nagdaan bago ko naintindihan na hindi pala lahat ng klase ng away mandatory na ayusin agad agad. Kasi merong mga klase ng gusot na kailangan ng mas mahabang panahon para maghilom. Meron din namang mga light misunderstanding na puwedeng pag-usapan agad. Alam niyo naman yan kung kaya tong ayusin agad o hindi. Dati noong medyo mas bata pa ako naging sukatan ko pa nga ito ng pagmamahal ng asawa ko (Maling mali!). Ang asawa ko hindi ganon kagaling sa communication, hindi madali sakanya na i-express yong emotion niya or gusto niyang sabihin. Common sa 'to mga lalake, karamihan sa kanila hindi talaga ganon kagaling sa pag-express ng nararamdaman. Girls internalize niyo na 'to. Simulan niyo nang masterin yong skills na pag-intindi sa mga partner niyo pagdating sa pag eexplain ng mga nararamdaman nila.
Tandaan na hindi kailangang lutasin lahat agad agad sa isang araw. Kung kailangan ng oras then give it time, time to heal. Most of all, learn to screen those advices that you hear outside, from friends or relatives. Not all things applies to us. Not all things works on us. Piliin parin o tingnan kung tama ba yong sinasabi nila, puwede ba sa atin yon at ikabubuti ba ng relasyon. Sa isang banda, hindi ko naman sinasabing mali ito, meron lang talagang klase ng hindi pagkakaunawaan o gusot na kailangan ng mas mahabang oras o panahon para lutasin.
Ang tanong, hindi kaya marami nang nasirang relasyon ang kasabihan na ito? Hindi kaya ito ang isa sa mga mitsa ng mismong hindi pagkakaunawaan? Minsan kasi dahil din sa mismong mindset na ganito yong dahilan ng misunderstanding... na dahil hindi siya nakipag-ayos sayo o dahil hindi ka niya sinuyo, mag-iisip ka ngayon ng sarili mong conclusion na "hindi niya kasi ako mahal kaya hindi inaayos ang problema". Hindi natin naisip na kailangan din natin minsan na ikondisyon ang isip o sarili natin. Kapag hindi nga tayo ready sa isang bagay hindi na natin ipinipilit gawin iyon. Meron pa namang ibang araw. Kailangan niyong mag cool down, para lang hindi kayo parehong sumabog o mas lumala ang pinagdadaanan niyo.
Tanging kayong dalawang mag-asawa lamang ang nakakaalam kung anong magwowork sa inyo. Huwag ikompara ang love story niyo sa iba. Kung sila merong silang rule na ganon, baka sa inyo hindi gagana yon. And you have to know and find what works for you. Huwag pilitin ang bagay na hindi naman puwede sa atin. Minsan itong mga sinasabi ng iba o advice pa nga ng iba ang mismong sumisira sa pagsasama. Kung hindi natin alam salain ang salita ng ibang tao, tayo lang din ang magsu-suffer. Huwag nating hayaang masira tayo ganitong imbento ng tao.
Matagal na panahon din akong naging alila ng paniniwala na 'to. Dahil sa akala kong iyon ang tama, o iyon lang yong paraan para sa maayos na pagsasama. Pero wala, kinain lang ako ng maling paniniwala na ito. Wala pala sa say ng iba kundi nasa inyong dalawa ng parter mo nakasalalay ang relationship niyo. Na hindi dapat ihalintulad sa mga nangyayaring love story sa mga idol natin o mga artista o ibang tao na nagke-claim ng ganito ganyan. It should always be the two of you ang mas makakaunawa sa estado ninyo. And it will always be just the two of you who can find the right answer to your questions. Hindi porket sinabi ng isang tao na ganito dapat, ay iyon na nga dapat. Mali. Pakinggan mo yong inner voice mo. Pakiramdaman mo yong gut feeling mo.
Piliin nating mas maging maunawain sa mga partner natin kung pinili man nilang mag-cool down bago makipag-usap satin, o sa madaling salita "natulog muna bago makipag-usap". Baka kasi kailagan din nila ng clarity, makahinga at makapag-isip isip bago tayo kausapin. Posible kasing mauwi lang tayo sa sigawan o mas malala pang eskandalo pag pinilit nating ayusin agad. Hindi masamang dumistansiya sandali para pagbigyan ang sarili natin i-unload muna yong mga dala-dala nating bigat. Mas mainam nga naman na pag-usapan ang mga bagay bagay kung pareho na kayong malamig. Mas malabo yong chance na magka-ayos kayo kung pareho pa kayong mainit ang ulo.
Pero kung iaanalize nating maigi kung bakit nga ba hindi ito gumagana sa iba. I can tell that one good reason could be the ego. Why ego? Puwedeng ayaw lang talagang ibaba ang ego nong isa, na yong tipong hinihintay mo siyang maunang lumapit, tapos noong hindi nga lumapit lalo kang nainis. Guilty here. Yes this thing didn't work for us. But i guess it's okay kasi natuto rin naman ako sa mga experience na yan. But then again like what I've said, kung hindi gumana sayo ang strategy na yon, find another one, and another. That is if you are willing to save your marriage or relationship. That is if you are genuine with your feelings. Huwag nating hayaang masira ang pagsasama dahil lang sa isang kataga ng iba.
Kaya naman kung ikaw ay sa mga napaniwala ng kataga na ito. Panahon na para i-review mo kung tama ba ito o mali. Applicable ba sa inyo ng partner mo o hindi. May benefit ba sa relationship ninyo o wala. Or nagwork nga ba ito sa inyo noong sinubukan ninyo? Hindi rin masama na lawakan pa ang pang-unawa para sa pagresolba ng mga hindi pagkakaintindihan. Huwag isarado at idepende sa iisang salita, na sinabi pa ng iba. Kailangan meron tayong sariling version ng love story natin.