Parents, problema mo ba ang pandudura, pamamalo at pangangagat ng anak mo?
Ibabahagi ko ang mismong karanasan namin ng aking three years old baby boy. Pagkakamali ko na hindi ko binigyan ng sapat na oras yong unang pagpapakita niya ng ganitong behavior sa edad na higit isang taon. Yes, he did this before at the age of one year old. At ang naging response ko dati? punishment! And it was very wrong move! I was thinking today, siguro kung binigyan ko lang ng sapat na attention at inunawa siya noon kung bakit niya nagagawang mandura kahit hindi naman namin ginagawa iyon, siguro kung na-address lang ng tama at hindi na-suppress, maaring na-correct na noon pa yong behavior ng pagdudura. Magsisi man ako, nandito na to. Best that i can do now is to find a solution. Kaya naman nais ko rin ibahagi yong mga natutunan kong best approach sa paghandle ng ganitong situation.
UNA: Parents, importanteng maunawaan ang pinagdadaanan ng bata. Tandaan na bata lang siya at nag-aaral palang sa mga very basic life skills. Bago lang sa kanila na makaramdam ng iba't ibang emosyon. Kapag tayong ngang adult na halu-halo ang maramdaman natin, minsan may mga times din na nahihirapan tayong i-process. How much more sa kanila na first time makaramdam ng magkakahalong emosyon. They don't really know how to handle it. We need to teach him/her how respond to anger, sad, excitement, etc.
PANGALAWA: Obserbahan natin kung saan ba nanggagaling yong pandudura o pananakit. Ano bang nakakapag-trigger? Sa experience ko, lumalabas ito tuwing nagagalit siya o kaya ginugulat siya. You'll know where to start kapag na-trace mo na kung saan nanggagaling.
PANGATLO: Ito ang mga approach na inapply ko with my three year old.
1. Tuwing nandudura siya ipinapalinis ko sakanya ang mga dura niya.
1. Tuwing nandudura siya ipinapalinis ko sakanya ang mga dura niya.
2. Sinasabi ko na hindi nice yong ginawa niya. I don't use the word "Bad ka!"
3. Inilalayo ko siya pansamantala. Kung nasa palaruan kami, ganito ang sinasabi ko...
"Dito lang tayo, hindi tayo babalik doon hanggat hindi ka pa handang makipaglaro".
Kung sa amin naman sa mga tao sa bahay niya ginawa, ganito naman ang sinasabi ko...
Kung sa amin naman sa mga tao sa bahay niya ginawa, ganito naman ang sinasabi ko...
"Dito tayo sa tabi, umupo ka rito. Alam mo bang masama ang nandudura ng tao? (usually umiiyak siya but i have to be firm and wait until he respond). Huwag mo nang uulitin yon, okay? (wait 'till he agreed). Puwede kang mag-sorry sa ginawa mo.
You can keep doing this until he's able to fully understand that spitting is not acceptable. Sinubukan ko ring daanin siya sa palo noong una. Kapag galit siya galit din ako. Kapag namamalo, pinaparamdam ko rin yong ginawa niya. The more we do this, the more i hurt him physically (which gives me the feeling of guilt later on, every time!) And the more i do this, parang mas hindi niya nauunawaan yong point ko o yong gusto kong maintindihan niya. But when i switched to different approach, yong kalmadong nakikipag-usap napansin ko talaga agad yong pag-calm down niya rin or your calm response niya.
That means, meron na siyang idea on how to basically respond to his emotion. He begins to understand it better that there are other ways to handle emotions other than being violent. Kung mas madalas niya itong makikita sa atin, mas mapapadali niya itong kopyahin. Yes, kung mapapansin niyo ginagaya tayo ng mga toddler/anak natin. This won't be hard once na palagi na niya itong nakikita sa atin. Although it will take long bago talaga mabago ng bata ang isang asal like three months or longer, basta maging consistent lang maitatama din yong hindi kanais-nais na behavior.
So when your child spits, listen to what he is trying to tell you. Listen closely especially when your child cannot express in words or talk yet. Makikita mo ito sa body language or action nila. Do not jump into hitting the child back when he hits you. Try to be calm and leave, because the goal is to let him feel or know that hurting you is not the way to get your attention. That being said, kailangan naman din ay ibigay mo yong attention na kailangan niya. Do not just ignore the child when he or she is calling for you. Huwag naman nang hintaying pa na labasan ng ugat ang mga leeg nila sa kakatawag at kakasigaw sa pangalan mo para lang pansinin mo sila. Let's be mindful and thoughtful sa kanila.
From what i read about these children who spits, who hits, who scream, are the kids who needs more attention and connection. Hate and hurting them back won't help correct these behavior. Kung tumigil man daw ang behavior na yan dahil sa palo at sigaw mo o yong tinatawag ng iba na "tough love", eh baka itinago lang nila yong action na yon dahil takot siya sa violence or reaction mo. And that means dito narin magsisimulang matutong magtago nalang ng nararamdaman o problema ang bata tuwing mayroong pagdadaanan ito. Kasi nga galit ka pag may magawa siyang mali.
Personally nao-overthink ko na nga yata ito. Because honestly gusto kong mapagsabihan ako ng anak ko sa mga problemang mapagdadaanan man niya. Gusto kong maging transparent siya sakin. Sino ba naman ang ayaw nito. Kaya naman lahat ng alam kong paraan ginagawa ko upang ma-achieve namin ito.
Let's raise all our kids to have a strong mind.