My three year old son is showing aggressiveness, and I feel like I'm losing my way to gentle parenting each time we have a bad day.
I've been thinking and assessing things, like where's he coming from. This attitude comes out when he feels like he's disrespected in a way, or when people at home are teasing him. Yes ganito ang napansin ko, nagagalit siya, sumisigaw, nananakit at minsan nandudura pa kapag yong mga tao sa bahay ay inaasar o ginagalit siya. I can't control how these people around us choose to behave, but i can change how my son respond to their behavior. I know his emotion is valid, but then I mostly lose my cool when he started hitting me too. And so I decided to help him with his vocabulary first. I talk to him more often, mention things about emotions, practice basic words that we use in our daily activities and I talk slowly. Although the hitting and shouting didn't go away yet but It's amazing to witness the progress in terms of his vocabulary. Now that he's able to identify his "anger" emotion, we can now work on his action or response to these emotions.
Gentle Parenting for me is a constant learning because I am doing the complete opposite of how I was raised. I am far from being perfect (not even close), but I'm not planning to give up gentle parenting. I am doing everything that I can to help myself fulfill the parenting approach I choose to apply for my kid. I struggle too because I too is learning.
Kaya naman nagbabasa-basa ako ng mga libro at article related sa Gentle Parenting while working on my patience. It's because patience is one of the main ingredient to achieve the goal. Guilt is probably the number one villain for most. But i can keep trying, I can keep learning from those guilt, and keep reading. I read testimonies, articles and books. Books about behaviors, psychology, talks about mind as well as understanding kids or toddler. And i would say continuous talaga ang effort dito. Just like how you continuously fulfill your parenting. If you're tired, just rest pero wala sa option ang tumigil.
Tulad ng nabanggit ko, sabay ko ring inaaral ang pagpapasensiya at pagkalma sa mga bagay na hindi na dapat bigyan ng malaking reaksiyon. May mga araw na sunod-sunod akong nagagalit at maiksi ang pasensiya. Kapag napansin ko nang napapadalas na akong nagagalit, ina-assess ko na ang sarili ko, kinukumusta. Kumusta na ba ako, saan ba ako nanggagaling? Ano bang ginagawa ko lately? Baka kulang ako sa tulog. Baka kulang sa exercise, sa tamang diet, or may ibang bagay ang umaagaw sa focus ko. But usually ang napapansin ko talagang dahilan ay ang kawalan ng sapat na pahinga o tulog.
Sa puntong 'to makakabuo na ako ng plano kung anong gagawin ko. Kadalasan matutulog ako ng maaga, sasabayan ko na ang batang matulog sa gabi at hindi na ako magse-cellphone. Dahil sa totoo lang ang paggamit ng cellphone ng matagal na oras ay nakaka-empty ng energy. Pahinga ang una kong ginagawa kasi alam kong tinatalo na ako ng pagod. Importante ang pahinga kaya hanapan natin ito ng paraan kahit gaano pa tayo ka-busy. Dahil ito ang pinaka-recharging natin or resetting state upang hindi mawala sa layunin o goal.
Masasabi kong likas akong impatient na tao. Pero bakit Gentle Parenting yong style ko? Sa totoo lang kusa itong lumabas sa akin. Na para bang naiaapply ko yong gusto ko sanang paraan ng parenting style noong bata ako. Hindi ko itatanggi na kinakapos din ako ng pasensiya minsan, at ngayon na going four year old na ang anak ko talagang nasisimut ang pasensiya ko. Siguro dahil matagal narin akong taong bahay at nabu-burnout narin minsan. Hindi mo pa maiwasang makapasok sa systema mo yong mga negative comment ng mga tao sa paligid mo tungkol sa behavior ng anak mo. It's like i have to explain to them every now and then that he is just a toddler, learning the basics including eating by himself. Lahat ito nakakaubos ng lakas. Pero pag nakakabasa ako ng libro ( dahil wala naman akong ibang kausap ) naa-unload yong mga mabigat na nararamdaman ko.
In order to do your job right, kailangan talaga marunong kang sumala ng mga ipinion ng mga tao. And in order to help our child, help ourselves too. Help yourself in any way that you think would work for you.
Ito ang mga personal kong Gentle Parenting Tips.
1. Five minutes rule at i-set ang expectation.
Halimbawa, palaging umiiyak ang bata tuwing pauuwin mo na siya at patitigilin sa Play Time niya sa labas. Bago pa man kayo lumabas ng pintuan niyo ay umupo ka sa level niya at ipaalam mo sakanya na meron lang kayong 5 minutes para maglaro sa labas (puwede kang magdala ng cellphone para may alarm kung kailangan) at sabihin sakanya na kapag tumunog na ang alarm ibig sabihin ay time to go home na. Halimbawa lamang iyan, ang tamang duration ng paglalaro ng bata sa labas ay at least 3 hours.
2. Pag-usapan ang tungkol sa mga iba't ibang emotions. Magprint ng mga emotion faces or kung pinapayagan mo siyang mag-gadget ay ito ang gamitin niyo para maaral niya ang mga emosyon o feelings. Tulungang ipaintindi kung ano yong Happy, Sad, Angry, Confuse at iba pa.
3. Hayaan mo siyang magkamali. Iwasang sumigaw at magalit tuwing nakakagawa ng pagkakamali.
4. Huwag bulyawan, sigawan, pagalitan ang bata. Kung may dapat ayusin, mag-usap ng may connection. Ibig sabihin, lumevel ka sa bata at tingnan sa mata saka kausapin ng may pagrespeto parin.
5. Assess yourself. Kung may mga bagay na nakaka-trigger sayo ay mabuting maging aware at alamin kung anu-ano ang mga ito para magawan ng action. Tayong adult din ay kailangan ma-regulate din natin ang ating mga emosyon upang sa ganon ay maibigay natin ang best natin sa ating mga anak.
6. Laging bibigyan ng oras ang at dapat gawin ito ng regular. Ang presence natin at pakikipaglaro o bonding ay malaking bagay ito sa development ng bata.