Wives plays a very important role in the family. A wife can do so much from keeping the house clean and tidy, to carrying and birth a baby, to cooking healthy food for the entire family, to budgeting, to staying at home to fulfill these things, to overthinking her family's safety, to being the number one trainer and teacher of the kids, and a lot more!
I am a CS mom. First day palang, right after kong ma-CS, pinatulog lang ako ng ilang oras after ng operation sabak na ako agad sa pagiging ina. Even then i still haven't felt prepared. After a few hours ng operation kinailangan ko nang umupo ng sarili ko, otherwise baka mas mahirapan ako kapag pinatagal ko ang paghihita at yon din naman ang suggestion ng mga medical stuff at ng OB ko. In a few minutes dineliver narin sa amin yong bata. I had no choice kasi hindi talaga marunong maghawak ng newborn yong asawa ko. Ako yong natatakot sa kung paano niya hawakan yong bata.
The good thing about my husband though is gumagawa siya ng paraan upang mapagaan yong mga trabaho ko at yong sitwasyon ko. Tinutulungan niya talaga ako at lahat ng kailangan ko o mga lalakarin. Siya ang active at mabilis na gumagawa at tumatakbo sa mga kailangang asikasuhin. Dahil hindi naman perfect ang isang tao siyempre meron din naman siyang weakness tulad ng pagkumusta sa akin bilang bagong ina. Noong inabot sa akin ang anak ko hindi parin doon nagtatapos yong pakiramdam na hindi pa ako handa. Pero ginagampanan ko ang pagiging ina. Aware ako sa responsibilidad ko. Kahit hindi pa handa yong pakiramdam ko alam kong may tungkulin na ako, iyon sigurado akong nag sink in na talaga.
Lumipas ang mga araw na parati na akong busy sa gawaing bahay at lalong lalo na sa pag-asikaso sa bata. Lagi din akong pagod bukod sa puyat. Madalas kami lang ng bata dahil ang trabaho ng aking asawa ay malayuan at nirerequire na mag-stay sa work niya ng ilang araw, dipende sa haba ng tatrabahuin. Walang nakakausap, madalas cellphone nalang ang kausap. Hindi narin ako nagwowork dahil hindi ko rin maipagkatiwala sa iba ang bata. Wala nang mga coworkers, wala narin mga kaibigan. Minsan dinadalaw ako ng lungkot, pero nilulunod ako ng pagod. Hanggang dumadalas yong pagdalaw ng lungkot na hindi ko maipaliwanag, tila mabigat sa dibdib, gusto kong umiyak kasi parang doon lang siya gagaan kapag iniyak ko. Dito na nga rin ako dumadalas umiyak mag-isa dahil pakiramdam ko dito ko lang din mailalabas ang nararamdaman kong emosyon.
It is very vital to check on your wife's mental health too, paminsan-minsan. Sa panganganak palang matinding trauma na ang pinagdaanan ng katawan niyan. If you want to have a happy wife and a mother of your kids, tulungan mo siya sa dami ng trabaho niya. It is very true that staying at home, fulfilling the daily duty of a mother and a wife, not to mention walang rest day ito ha? Nakakapagod talaga. Kasi bukod sa mga daily duties niya, pagsapit ng gabi mag-ooverthink naman yan, mag-aalala para sa inyo ng anak niyo. Hindi rin naman matutulog agad dahil pagkatulog ng baby magmi-ME time naman sa paraan na marerelax siya. Sa akin madalas sa cellphone nalang ang me time ko sa gabi. Pagkatapos ng me time mag-iisip naman mga kung anu-anong bagay tulad ng budget sa buong buwan, mga uulamin sa araw-araw para makakain kayo ng may sustansiya, at kung anu-ano pang maliliit at malalaking bagay ang pumapasok at gumugulo sa isip niyan.
Sa isip at pananaw ng isang babae o ang bagong ina ay ganito. Maaappreciate talaga ng asawang babae kung pagkatapos ng trabaho ay kausapin at makipagkuwentuhan ka rito. Namimiss ko rin kasi ang may kausap. Parang naooverwhelm na ako sa bagong trabaho at sitwasyon ko. Sana makinig ka sa mga kuwento ko kasi wala naman akong ibang mapagkukwentuhan. Sana kahit paulit-ulit na wag kang magsasawa. Sana wag kang tatamarin hagurin o imasahe ang likod ko tuwing inaatake ako ng sakit sa katawan. At tuwing nilalamun ako ng lungkot at nagiging iritable sana wag kang mainis at pagtiyagaan mo akong intindihin. Dahil kung kaya at puwede ko lang ipapanuod sayo ang mga tumatakbo sa isip ko kasama na ang mga sakit ng katawan na walang katapusan, ay gagawin ko. Tuwing umiiyak ako ng mag-isa hindi ko narin ipinapaalam sayo.
Tulungan mo hanggat kaya mo ang iyong asawa at huwag bibigyan ng sama ng loob na idadagdag pa niya sa kanyang isipin. Tulungan mo sa mga gawaing bahay, sa pagluluto, paglilinis, at sa pag-alaga ng bata. Mas mararamdaman niya rito ang alalay at concern mo sakanya. At sa paraan pa nga na ganito mas lalong tumataas ang respesto niya sayo. Ramdam niyang mahal mo siya, ramdam niyang hindi siya mag-isa at nagkakaroon siya ng mas mahabang oras para makapagpahinga.
Kung alam mong sabayan ang sayaw ng asawa mo, kung may malalim ka ritong pang-unawa, expect mong mas lalalim din ang relasyong meron kayo. Magbubunga ito ng respeto sa isa't-isa. Gaganda at uusbong ang pagsasama niyo. Palagi mong isasaalang-alang at pahalagahan ang asawa mo dahil siya lang ang nag-iisang kakampi mo sa literal na lahat ng bagay. Sa lahat ng hamon dapat team kayo, nagkakasundo at nagkakaintindihan.
Be gentle on your wife. Dahil bukod sa laban na ipinapanalo niya na tumatakbo sa isip niya ay tagapag-ayos din siya ng tahanan ninyo, para sa inyo ng mga anak ninyo.